Tag Archives: cinemalaya
Cinemalaya 2010 Awards Night
So heto na ang nangyari kinabukasan.
Ayoko magLRT dahil matagal rin namang mag antay ng tren. Baka mas mabilis pa pag jeep tutal maaga pa naman.
Ayun, natrapik. Tinatawagan nako ni Kat dahil namigay na raw ng tiket para sa Ganap na Babae at dapat ay personal ang pagkuha, hindi pwedeng ikuhanan ang kaibigan o kasama.
Buti umabot, at nakakuha ng upuan. Hindi naman pala ganun karami ang mga tao. Siguro kasi’y maaga para sa karamihan ang alas diyes.
Bago simulan ang palabas ay tinawag sa harap ang mga nagsiganap sa pelikula. Kasama si Boots Anson Roa sa award-winning indie film.
Kung gaano kami ka-disappointed sa napanood nung nakaraang araw, ganun naman kami ka-satisfied sa Ganap na Babae. Bow. Ang galing lang ng pagkakagawa. Masterpiece! After lunch pa ang showing ng Shorts kaya tumambay muna sa Harbour Square, kumain sa Jollibee [blockbuster since iyon lang ang 'pang-masa' na kainan doon]. Ewan pero ang jinx ay mukhang hindi pa rin nawawala dahil si Kat ay muntik nang matapunan ng juice sa Jollibee at sa pag-eenjoy sa kwentuhan ay na-late [ilang minuto lang naman] sa screening ng Shorts, buti na lang hindi naunang pinalabas ang Hay Pinhod Oh Ya Scooter.
Natapos ang film na satisfied kami. Iba talaga ang galing ng mga fresh minds Pinoy Film makers!
At dahil andun na rin lang kami, inantay na lang namin ang Awards Night na alas sais pa.
Cinemala[s]ya: The Cinemalaya 6 Adventures of Kat & Iyyi
Si Kat at Iyyi, ang mga babaeng may Dalaw, tinanghali ng gising kaya di inabutan ang Two Funerals. Umasa sa Mefenamic Acid para matuloy ang panonood ng Sigwa. In-assume ni Iyyi na hindi magkakaubusan ng tiket dahil isang lingo na ang Cinemalaya pero pagdating sa CCP ay sold out na ang Sigwa, pati na rin ang ibang options.
Buti na lang may Engkwentro at Mayohan pero halos maloka na sila dahil sold out din pareho kaya ang no choice choices nila ay Muli at Ang Paglilitis ni Andres Bonifacio.
Sa Muli, muntik nang hindi makaupo. Ang isa’y nagpapaka-bitchessa na kaya pinaupo sa upuan na para sa mga artista at importanteng tao. Nagsimula na ang film at biglang nagsidatingan ang mga artista, madilim naman hindi kayo makikilala, hindi mapapalayas sa upuan.
Oops! May 15 minute interval, lights on, oh no! Mapapalayas na, kapal kasi ng mukha eh. Pero hindi sila napalayas, ibig sabihin mukha silang…yes artista beybeh…LOLOLOL.
Ang araw na puno ng kamalasan, tama ka nga siguro Kat, masyado lang tayong maganda kaya may nagkabungguan dalawang dipa mula sa tin. Pauwi na lang sinundan pa ng malas. Babawi ang swerte satin bukas. Haha!
Wag Kang Titingin
Ganap na Babae
Ganap na Babae directed by Rica Arevalo, Ellen Ramos and Sarah Roxas.
Kung gaano kami ka-disappointed sa napanood namin nung nakaraang araw, ganun naman kami ka-satisfied sa pelikulang napanood namin nung sumunod na araw. Ganap na Babae. Trilogy siya, ang ganda lang, hands down, lalo na yung unang pelikula, yung kay Mercedes Cabral. (Trivia: Nanalo siya ng Cannes’ Most Beautiful Actress.)
Alam mo yung mga kwentong feeling mo predictable pero mindblowing yung twist. At mapapa-wow ka na lang. At ang gagaling ng artista.










