Tag Archives: filipino films

Italian Film Festival 2011

 

film buffsy

The Embassy of Italy, the Film Development Council of the Philippines, the Philippine-Italian Association, in cooperation with Rustan’s, The Peninsula Manila, the Cultural Center of the Philippines, and in collaboration with Asiatica Film Mediale (organizers of the most important Asian Film Festival in Italy) and Playtown (organizers of the Film Festival in Rome) present Moviemov: Italian Cinema Now.

Aside from the festival, two workshops will be conducted by acclaimed director Dario Argento and award-winning composer Franco Piersanti and this is expected to draw in students and film enthusiasts.

The Italian Film Festival runs from November 9 up to 13 at Greenbelt 3 Cinemas in Makati City. Admission is free.

Technorati Tags: , ,

Cinemala[s]ya: The Cinemalaya 6 Adventures of Kat & Iyyi

film buffsy eventology

Cinemalaya 6

Si Kat at Iyyi, ang mga babaeng may Dalaw, tinanghali ng gising kaya di inabutan ang Two Funerals. Umasa sa Mefenamic Acid para matuloy ang panonood ng Sigwa. In-assume ni Iyyi na hindi magkakaubusan ng tiket dahil isang lingo na ang Cinemalaya pero pagdating sa CCP ay sold out na ang Sigwa, pati na rin ang ibang options.

Buti na lang may Engkwentro at Mayohan pero halos maloka na sila dahil sold out din pareho kaya ang no choice choices nila ay Muli at Ang Paglilitis ni Andres Bonifacio.

Sa Muli, muntik nang hindi makaupo. Ang isa’y nagpapaka-bitchessa na kaya pinaupo sa upuan na para sa mga artista at importanteng tao. Nagsimula na ang film at biglang nagsidatingan ang mga artista, madilim naman hindi kayo makikilala, hindi mapapalayas sa upuan.

Oops! May 15 minute interval, lights on, oh no! Mapapalayas na, kapal kasi ng mukha eh. Pero hindi sila napalayas, ibig sabihin mukha silang…yes artista beybeh…LOLOLOL.

Ang araw na puno ng kamalasan, tama ka nga siguro Kat, masyado lang tayong maganda kaya may nagkabungguan dalawang dipa mula sa tin. Pauwi na lang sinundan pa ng malas. Babawi ang swerte satin bukas. Haha!

Wag Kang Titingin

Technorati Tags: , , , ,

Muli

film buffsy

Muli, directed by Adolf Alix Jr.

Ang totoo, gusto ko siyang panoorin talaga dahil sa Baguio ito na-shoot. Isa sa mga locations nila ay ang bahay sa Crystal Cave na tinatawag naming haunted dahil mukha naman siyang bahay-kaluluwa talaga. Nung nasa Baguio ako last week, nakita ko pa nagshu-shoot sila sa UPB. Nakita ko si Sid pogi. film buffsy

Sa cast pa lang ng pelikula, siguro mag-e-expect na ang mga manonood, tulad ko. Sid Lucero + Cogie Domingo. Man, this must be good. Tapos 70s pa ang setting nila. Howlyshit, ako pa na adik sa 70s era!

Kaso lang ang nangyari, parang rough cut pa lang yung pinakita. Hindi pa siya pulido. May mga naririnig pa ngang “cut!” Sinabi naman yun ni Direk Alix bago pa magsimula, it’s a work in progress daw at ang pulidong version ay sa UP na ipapalabas. Minadali lang para sa Cinemalaya screening.

Ang reaksiyon namin ni Kat? Parang porn lang. Ang daming bed/sex scenes na wala nang relevance. I mean kaya nang tumayo ng istorya kahit pa tanggalin ang mga ito. Ang dami lang kasi to the extent na mabo-bore ka na lang. :p

Technorati Tags: , ,

Ganap na Babae

film buffsy

Ganap na Babae directed by Rica Arevalo, Ellen Ramos and Sarah Roxas.

Kung gaano kami ka-disappointed sa napanood namin nung nakaraang araw, ganun naman kami ka-satisfied sa pelikulang napanood namin nung sumunod na araw. Ganap na Babae. Trilogy siya, ang ganda lang, hands down, lalo na yung unang pelikula, yung kay Mercedes Cabral. (Trivia: Nanalo siya ng Cannes’ Most Beautiful Actress.)

Alam mo yung mga kwentong feeling mo predictable pero mindblowing yung twist. At mapapa-wow ka na lang. At ang gagaling ng artista.

Technorati Tags: , , ,