Tag Archives: the unemployment saga

Kelan Maaabot ang Langit

Bigla ko na lang hinanap sa Youtube ang Muntik Nang Maabot ang Langit ng True Faith at paulit-ulit na pinatugtog habang ineenjoy ang inimbentong foot spa. Basag na naman ako. Iba na naman ang trip.

Buong weekend di ako lumabas ng bahay. Ang pinakamalayo ko ng narating ay ang kapitalistang sari-sari store sa kabilang bahay nang ako’y bumili ng de lata at itlog dahil hindi natutuwa ang dila ko sa lasa ng skinless longganisa na siya na lamang laman ng ref.

Literal na nakakulong ako sa loob ng bahay dahil naka padlock ang main gate at lahat ng pintuan papasok sa bahay.

Technorati Tags: ,

Pandesal

Kung bakit ako kumakain ng malamig at matigas na pandesal.

Alas dyes na, andito pa rin ako sa labas. Gusto ko nang umuwi. Sana gising pa ang mga kasama ko sa bahay dahil wala akong susi. Paglabas ng isang shop. Nakakita ng net cafe. Pasok. Magnenet na lang kahit walang importanteng gagawin. Maghahanap na lang ng trabaho sa internet!

Naglakad-lakad. Napadaan sa isang tindahan. napansin ang mga tsinelas na nakadispley. Pumasok. Nagsukat ng mga tsinelas. Tamang-tama dahil tag-ulan. Para may maisuot kapag basa ang mga sapatos. Hindi na gaanong pumili. Basta kasya, sige okay na.

Nasa isang bakeshop ako. Mag-isa. Nang bigla na lang may lumapit sa akin. makikipagkilala daw. Di ko pinansin. Nagpakilala nga. Umalis ako. Lumipat sa ibang upuan. Nakakatakot eh. Nakita ako ng isang sis. Kumustahan. Di ko na naituloy ang pagkain ng pandesal. Maya-maya’y nilisan ang bakeshop.

Technorati Tags: